-- Advertisements --

cidg3

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang walong kapwa nila mga miyembro ng PNP CIDG dahil sa pagnanakaw sa Angeles City Pampanga.

Batay sa ulat ng PNP CIDG, kinilala ang mga naarestong pulis na sina:

PMaj Ferdinance Mendoza
PSsg Mark Anthony Reyes Iral
PSsg Sanny Ric S Alicante
PCpl Richmond P Francia
PCpl John Gervic N Fajardo
PCpl Kenneth Rheiner Ferrer Delfin
Pat Leandro Veloso Mangale
Pat Hermogines A Rosario Jr.

Ang mga suspeks ay nakatalaga sa Anti-Organized Crime Unit ng PNP CIDG na naka base sa Camp Crame.

cidg2

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, pinasok ng walong pulis na ito na pawang mga naka sibilyan kasama ang dalawang Chinese at isang Pilipino ang tinutuluyan ng pitong mga lalaking Chinese at kanilang Pinoy na kasama sa bahay sa Missael St., Diamond Subd., Brgy. Balibago, Angeles City.

Sila ay nagpakilalang mga tauhan ng PNP CIDG at nagsagawa umano ng buy-bust operation.

Sakto namang nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nakatalaga sa PNP CIDG City field unit na naka base sa Angeles City, Pampanga hinggil sa nangyayaring nakawan kaya agad rumesponde ang mga ito.

Pagdating sa lugar nag pang abot ang mga pulis at nahuli ang tatlo sa walong pulis pero sinabing sila ay may operasyon sa lugar.

cidg4

Ngunit sa pagsasagawa ng imbestigasyon, natukoy na ninakaw pala ng mga pulis na ito ang mga mahahalagang gamit sa loob ng bahay ng pitong Chinese kabilang dito ang cheke at cash na P300,000.00 at US dollars bills.

Sa ngayon pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Angeles CFU ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.

Samantala, ayon naman kay PNP CIDG Director PMGen. Albert Ignatius Ferro, mananagot ang mga nasabing pulis sa kanilang ginawa.

” We are serious in our campaign against scalawags and we support our President, Internal cleansing of the PNP was directed by the Chief PNP,” mensahe ni MGen. Ferro sa mga reporters sa Camp Crame.