-- Advertisements --
Nakapag-qualify na sa Tokyo Olympics ang 11-anyos na Syrian table tennis player na si Hend Zaza.
Maituturing siyang pinakabatang Olympian sa kasaysayan ng Olympics.
Ang ranked 155 sa buong mundo ay tinalo niya ang 42-anyos na si Mariana Sahakian ng Lebanon sa women’s final na ginanap na Amman, Jordan.
Pinuri naman ng Syrian Olympic Committee si Hend dahil sa tagumpay nito.
Ipinanganak noong Enero 1, 2009 na ilang buwang mas bata kay Sky Brown ang British skateboarder na magiging 12 -anyos bago ang Olympics.
Ang pinakabatang Olympic medalist ay si Greek gymnast Dimitrios Loundras na nagwagi ng bronze medal sa team parallel bars sa first modern Games sa Athens noong 1896 sa eadad 10.