-- Advertisements --
BOC NAIA June20 2.jpg
IMAGE | Bureau of Customs/Facebook

Aabot sa 11.2-toneladang mga imported goods ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa panganib umanong dulot nito sa publiko.

Batay sa online post ng BOC, binubuo ng mga gamot, kemikal at food products na walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang nasabat at sinirang mga imported goods.

Ito na raw ang ikalimang beses na nakadiskubre at sumira ng mga ganitong uri ng produkto ang Customs, ayon sa ulat.

“The condemnation aims to protect the public and decongest the warehouses with overstaying shipments.”

Nangako ang BOC nang tuloy-tuloy na pagbabantay sa illegal goods na ipinupuslit sa mga border ng bansa.

Mula Enero, umabot na raw sa 28.1-tons ng mga itinuturing na unsafe goods na walang clearance at permit ang sinira ng hanay ng BOC sa NAIA.