-- Advertisements --
image 131

Nasa kabuuang 109 volcanic earthquakes at 19 na dome collapse pyroclastic density current (PDC) events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa latest bulletin ng ahensiya, naobserbahan ang mabagal na pag-agos ng lava mula sa bulkan patungo sa Bonga gully na umabot sa 1.3 kilometers hanggang 1.4 kilometers.

Gayundin naobserbahan ang napakabagal na pag-agos ng lava mula sa bunganga ng bulkan patungo sa Mi-isi gully na umabot ng hanggang 2.8 kilometers habang aabot sa 4 kilometer na pagguho ng lava naman ang namataan sa may Basud gully.

Naitala rin sa bulkan ang kabuuang 325 rockfalls at apat na lava front collapse at isang lava collapese events.

Katamtamang pagbuga ng plumes na umaabot sa 800 meters ang naobserbahan din mula sa bulkan.

Sa kasalukuyan nananatili pa rin sa Alert level 3 ang alerto sa bulkang Mayon na nangangahulugan na mataas ang level ng unrest dahil nananatili sa crater ang magma at nakaamba pa rin ang posibilidad na mangyari ang mapanganib na pagsabog sa mga susunod na linggo o araw.