-- Advertisements --

Inilikas ang 10,000 Rohingya refugees matapos hagupitin ng baha at landslide ang kanilang kampo sa may border ng Myanmar kung saan 14 katao ang naiulat na nasawi.

Sa naitalang namatay, anim dito ay mga Rohingya habang ang iba naman ay mga residente sa lugar.

Ayon sa United Nations refugee agency, 2,500 kabahayan at 12,000 Rohingya ang apektado sa naturang pagbaha.

Karamihan sa mga refugee ay kabilang sa 740,000 Rohingya na tumakas mula Rakhine state ng Myanmar matapos inilunsad ang security forces noong 2017.