
Wagi ang 1000 -Piso polymer o plastic banknotes ng Pilipinas sa isang international award bilang “Banknote Of the Year” para sa taong 2022 na iginawad ng International Banknote Society (IBNS) ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ang kauna-unahang banknote ng Pilipinas na nanalo ng naturang parangal.
Natalo nito ang iba pang finalists mula sa Algeria, Barbados, Egypt, Northern Ireland, at Scotland.
Sinabi ng International Banknote Society na ang matagumpay na disenyo ng Pilipinas ay kanais-nais sa paningin na kulay asul na may kombinasyon ng isang endangered species at environmental motif.
Kinikilala ng International Banknote Society na isang global non-profit organization ang exceptional banknotes na inisyu kada taon base sa artistic merits nito gaya ng disenyo at paggamit ng kulay at high-quality security features ng isang banknote.
Bagamat una ng umani ng batikos ang 1000-piso polymer banknote ng Pilipinas matapos baguhin ang disenyo nito kung saan tinanggal ang imahe ng tatlong World war II martyrs sa bagong disenyo nito at pinalitan ng Philippine eagle.
Ayon sa BSP na bagong features ng 1000-Piso na Philippine eagle ay sumisimbolo sa pagiging unique ng mamamayang Pilipino, kalakasan, kapangyarihan at pagmamahal para sa kalayaan at matalas na vision sa buhay, ang pambansang bulaklak na naman na disenyo nito na Sampaguita ay nagpapakita ng kadalisayan, pagiging simple, mapagkumbaba at kalakasan.
Kabilang dins sa desinyo sa banknote ang Tubbataha Reefs Natural Park, na isang UNESCO World Heritage Site, ang T’nalak weave design ng mamamayang T’boli, at South Sea Pearl.










