Magkakaroon ng anim na bansa na magiging host sa tatlong magkakaibang kontinente ang 2030 FIFA Men’s World Cup.
Ayon sa FIFA na sa nasaibng taon kasi ay ipagdiriwang ang ika-100 taon anibersaryo ng World Cup.
Sinabi FIFA President Gianni Infantino. na magiging co-host ng torneo ang Spain, Portugal at Morocco habang ang Uruguay, Paraguay at Argentina ay doon isasagawa ang opening match.
Ang 1930 World Cup kasi ay napiling host at nagkampeon noon ang Uruguay.
Napagkasunduan nila na ang tanging magbi-bid ng hosting ng FIFA World Cup 2030 ay makakasali sa joint bid ng Morocco, Portugal at Spain.
Layon ng nasabing torneo ay magkaroon ng pagkakaisa ang FIFA kaya mayroong tatlong kontinente ang napiling host na kinabibilangan ng Afirca, Europe at South Africa na mayroong anim na bansa Argentina, Morocco, Paraguay, Portugal, Spain at Uruguay.
Lahat aniya ng anim na koponan ay otomatikong qualified na sa 48-team tournamen na ang unang laro ay gaganpin sa Estadio Centenario sa Montevideo ang lugar kung saan ginanap ang kauna-unahang final.