Naglaan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 100,000 prangkisa para sa 4-wheeled at motorcycle taxis ng isang app-based transportation company na Grab.
Ito ay bahagi ng hakbang para matugunan ang tumataas na demand para sa transport network vehicle service sa bansa.
Kinumpirma mismo ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz ang naturang mga prangkisa ay nakalaan para sa mga sasakyang nakarehistro sa ilalim ng Singaporean company.
Ito ay bilang tugon na rin sa commitment ng transportation company na mamuhunan pa ng mas marami sa bansa sa isinagawang pakikipagpulong ng top leaders kasama ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nauna ng inihayag ng transport company na magiging daan para sa paglikha ng nasa kalahating milyon na trabaho sa bansa.
Ayon pa kay Guadiz ang plano ay palawigin ang approval ng mas maraming prangkisa sa tatlong buwan.
Sakaling tumaas pa ang demand para sa transportasyon, magbibigay ng bagong prnagkisa sa iba pang motor vehicles na hindi konektado sa Grab lalo na sa ibang mga lungsod sa labas ng Metro Manila gaya ng Bacolod, Iloilo, Cenbu at Davao.
Nakatakda pa lamang ilabas ang dalawang memorandum circulars para sa mga requirements para sa aplikasyon ng prangkisa.