-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tinatayang nasa mahigit kumulang 100 ektarya ng taniman ng mais ang nasira ng malakas na hangin at ulan sa Brgy. Rizal, Banga, South Cotabato.

Ayon sa impormasyon ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council maliban sa ekta-ektaryang lupain ay nasira din ang anim na bahay.

Nakapagtala naman ito ng mahigit kumulang P2 milyong danyos.

Sa ngayon inihahanda na ang tulong lalo na sa mga apektadong local farmers matapos ang nasabing kalamidad.

Malaking kawalan ang pagkasira ng mga pananim na mais dahil ito ang nangungunang source of income ng mga taga Banga na siyang corn capital ng bansa.