-- Advertisements --

Aprubado na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang 100 percent capacity para sa college level in-person classes sa ilalim ng Alert Level 1.

Sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan na ito ay base na rin sa IATF Resolution 164 na inisyu nitong araw mh Biyernes.

Sa classroom capacity, pinapayagan na raw sa higher education institution ang mga full capacity gaya noong wala pang pandemic.

Pero iginiit pa rin naman ng IATF na ang in-person classes participants ay limitado pa rin para sa teaching, non-teaching personnel, at mga estudyanteng fully vaccinated ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang mga hindi bakunado at ang mga partially vaccinated students sa Alert Level 1 areas ay puwede pa rin naman pero sa pamamagitan ng flexible learning modalities.

Para naman sa operasyon ng mga dormitoryo ng mga (HEI’s) wala umanong restriction pagdating sa operational capacity bastat nakakuha lamang ang mga ito ng clearance sa kanilang mga Local Government Unit (LGU).

Pagdating naman sa requirement ng mga HEI’s bago ang operasyon sa mga lugar na nasa Alert Level 1, sinabi ng IATF na dapat ay magkaroon sila ng self-assessment checklist base sa Commission on Higher Education-Department of Health (ChEd-DoH) Joint Memorandum Circular No. 004-2021 at nag-o-operate sa ilalim ng self re-opening.

Puwede rin umanong ipagpatuloy ng HEIs na kumuha ng technical assistance sa kanilang mga LGUs, local IATF, ChEd Regional Offices, at Commission on Higher Education Experts Group.