Nakakuha ng golden buzzer ang 10-anyos na Pinay singer Eleana Gabunada sa “Asia’s Got Talent”.

Kapwa humanga ang mga judges na pinangunahan ni David Foster at singer Anggun.

Sinabi ni Foster, nakikita si Eleana na may magandang kinabukasan bilang Broadway singer.

Habang ang singer na si Anggun ay itinuring niya ito bilang batang bersyon ng singer na si Barbara Streisand.

Nitong Huwebes ay kinantan ng tubong Maynila ang “Don’t Rain on My Parade”.

Ito na ang pangalawang linggo na nakakuha ang mga pambato ng Pilipinas sa nasabing singing contest.
Unang nakakuha ng golden buzzer ang hand shadow artist na si Philip Galit o Shadow Ace.