-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Ligtas nang nakauwi sa kani-kanilang tahanan ang 10 turista na sakay ng bangkang lumubog sa baybayin ng Barangay Calintaan, Matnog, Sorsogon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Matnog Coast Guard Subtation Commander PO1 Eric Geronga, pauwi na ang mga turista mula sa kanilang pag-island hopping nang biglang tumaob ang sinasakyang bangka.
Mabuti na lamang at napadaan sa parte ng dagat ang ilang mangingisda na hindi nag-atubiling tulungan ang mga turista at isinakay sa kanilang mga bangka.
Nabatid naman sa isinagawang imbestigasyon ng Coast Guard na pawang hindi nagpaalam sa municipal tourism office ang naturang mga turista bago ang kanilang pamamasyal kaya ipinaalala sa mga ito na sumunod sa protocol.