-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaasahang isasailim ngayong linggo sa inquest proceeding ang 10 suspek sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo noon Marso 4.

Kasabay ng pagbisita ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines, ibinunyag ng kalihim na nananatiling persons of interest si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves sa Degamo assassination.

Ayon sa opisyal, inaasahan ang pagsasampa ng kaso kay Teves kapagka mapatunayan sa korte na may kinalaman ito sa krimen, pero mangyayari lang di umano ito kung magpapakita na si Rep. Teves para sa imbestigasyon.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Remulla na hindi pugante si Rep. Teves, ito’y kahit na nauugnay ang pangalan nito sa krimen. Ang blue notice umano na nirequest nila sa interpol ay upang makakolekta ng karagdagang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan at lokasyon ng isang tao o kaya ay ang bawat galaw nito para sa criminal investigation.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang makakolekta ng mabigat na ebidensya mula sa testimonies ng mga suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ng otoridad.