-- Advertisements --

Sugatan ang 10 katao matapos na bumagsak ang tulay sa Pittburgh.

Nangyari ang pagbagsak ng nasabing tulay na natabunan ng snow ilang oras bago ang pagbisita doon ni US President Joe Biden.

Sinabi ni Pittsburgh Mayor Ed Gainey na walang nasawi sa insidente ng pagbagsak ng tulay na matatagpuan sa Forbes and Braddock avenues.

Dinala na agad sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Dahil rin sa insidente ay nasira rin ang tubo kung saan dumadaloy ang natural gas.

Tiniyak naman ng White House na kanilang itutuloy ang pagbiyahe ni Biden sa lugar.

Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng tulay.

Tiniyak naman ng White House na kanilang itutuloy ang pagbiyahe ni Biden sa lugar.