TACLOBAN CITY – Sugatan ang siyam na mga pasahero kasama na ang driver matapos maaksidente ang isang pampasaherong van sa Brgy. Dayhagan, lungsod ng Ormoc, Leyte.

Ayon kay P/Maj. Joel Talagon ng Ormoc City Police Station, batay sa inisyal nilang imbestigasyon, galing Tacloban ang nasabing van nang mag-overtake ito sa isa pang sasakyan.

Nawalan na raw ng kontrol sa manibela ang driver nang iwasan nito ang sumalubong na tao sa daan.

Nagtamo ng mga minor injuries ang 10 sugaran at agad naman itong binigyan ng paunang lunas.

Sa ngayon ay naghihintay ang mga pulis kung magsasampa ng kaso ang mga pasahero kontra sa driver ng naturang van.