-- Advertisements --
DFA1

Sampung Pilipino sa Gaza Strip ang hindi pa nakontak mula noong araw ng Biyernes nang maputol ang internet at mga network ng telepono o communication lines sa bahagi ng Israel.

Ito ay sa gitna ng patuloy na labanan sa pagitan ng Israel at ng Hamas.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nakuha lamang nila ang 126 sa 136 na mga Pinoy na nasa Gaza.

Aniya, iba kasi ang sitwasyon sa kasalukuyan sa bahagi ng Gaza.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagcontact ng DFA sa mga Pinoy na nasa Gaza upang tuluyan na itong mapauwi sa ating bansa at mabigyan din ng kinakailangang mga tulong.