-- Advertisements --
Nasa 10 katao ang nasawi sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa port city ng Guayaquil, Ecuador.
Ayon sa Ecuadorian Prosecutor’s Office na natagpuan nila ang isang rifle at 9-millimeter na baril sa lugar ng pinangyarihan.
Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril.
Agad na isinara ng mga otoridad ang mga daanan palabas at papasok sa nasabing lugar.