-- Advertisements --

ANDHRA PRADESH, India – Mahigpit na nagbabala ang mga opisyal sa Andhra Pradesh sa bansang India ukol sa paghahalo ng anumang alcohol-based sanitizer sa inuming alak.

Kasunod ito ng pagkamatay ng 10 katao sa Kurichedu village, dahil sa pag-inom ng likidong hinaluan ng alcohol.

Ayon kay district police chief Siddharth Kaushal, pinaghalo ng magkakaibigan ang tubig, softdrinks at sanitizer dahil wala silang mabiling alak.

Nabatid na kasama ang Kurichedu sa mga lugar na isinailalim sa lockdown kaya ipinagbawal din ang bentahan ng anumang uri ng alak.

Naging mahigpit saIndia dahil sa pagsampa ng COVID cases doon sa 1,697,054, habang 36,551 naman ang mga namatay.

Sila na ang ikatlong bansa na may pinakamaraming naitalang infected ng coronavirus. (BBC)