Ethiopia festival
Ethiopia festival

Nasa 10 katao ang patay matapos na masira ang kanilang tinuntunan sa isang kasiyahan sa Ethiopia.

Naganap ang insidente sa loob ng Emperor Fasilides Bath kung saan ilang libong katao ang dumalo sa baptism of Jesus o tinawag na Timkat festival sa Gondar.

-- Advertisement --

Hindi bababa sa 15,000 katao ang dumalo sa nasabing kasiyahan.

Itinakbo naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima habang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.