-- Advertisements --
Patay ang 10 katao dahil sa nangyaring suicide bombing sa isang police station West Java province, Indonesia.
Kasamang nasawi ang isang police sa pagsabog na mataong lugar.
Naganap ang pagsabog habang nagsasagawa ng morning roll call ang mga kapulisan sa Astana Anyar police office sa Bandung.
Tinangka umano ng mga suspek na armado ng kutsilyo bago naganap ang pagsabog.
Natagpuan naman ang isang bomba na hindi na sumabog at ito ay ligtas na na-detonate ng mga otoridad.
Patuloy na inaalam ng mga kapulisan kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing insidente.