-- Advertisements --

Ligtas na nakarating sa Israel ang 10 panibagong bihag na pinakawalan ng mga Hamas militants.

Ilan sa mga dito ay may mga dual citizenships at karamihan ay mga babae at bata.

Kinilala ang mga ito na sina : Gali Tarshanksy, Ofir Engel, Amit Shani, Itay Regev, Yarden Roman Gat, Raaya Rotem, Raz Ben-Ami, Liat Beinin, Liam Or at Moran Stela Yanai.

Bago ang pagpapakawala ng 10 bihag ay pinakawalan din ng Hamas ang apat na Thailand nationals at ang mag-inang Russian-Israeli nationals.

Patuloy ang ginagawang pag-uusap ng Qatar, Egypt at US para sa pagpapalawig ng anim na araw na ceasefire.