-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pagod na at gustong mamuhay ng mapayapa ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters nagbalik loob sa Gobyerno sa Maguindanao.

Ang mga rebelde ay sumuko sa mga tauhan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion Philippine Army sa Brgy Zapakan Rajah Buayan Maguindanao.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas, mga bala,mga magazine at mga pampasabog.

Sumaksi sa pagsuko ng mga rebeldeng BIFF si Datu Abdullah Sangki Maguindanao Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu na syang nagrepresenta kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, kasama sina Rajah Buayan Mayor Jack Ampatuan, Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan at Mamasapano Vice Mayor Benzar Ampatuan.

Pormal namang tinanggap ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang mga sumukong BIFF.

Hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF at mga Armed Lawless Groups na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.