-- Advertisements --

Patay ang 10 magkakamag-anak matapos na sila ay pagbabarilin sa South Africa.

Ayon sa mga otoridad na pito sa kanila ay babae at tatlo ang lalaki na pinagbabaril sa kanilang bahay sa Pietermaritzburg city.

Naaresto ang isa sa mga suspek habang napatay nila ang isa pa at nakatakas ang isang suspek.

Hindi pa malinaw sa mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa insidente.