-- Advertisements --

CEBU CITY – Nailigtas makalipas ang walong oras hanggang sa nakauwi na rin sa kani-kanilang bahay ang 10 mga indibidwal na nagpalutang-lutang sakay ng motorbanca sa dagat ng Brgy. Marigindon, Lapu-lapu City matapos hinampas ng malalaking alon ang kanilang sinasakyan.

Una rito, nagkaroon ang grupo ng island hopping kahapon ng umaga ngunit pagbalik nila pasado alas 4:00 ng hapon, nahirapan ng dumaong ang banca sa wharf ng Marigondon dahil sa lakas ng ulan at malalaking alon.

Halos hatinggabi na ng malaman ng Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Office ang na-stranded na grupo kaya nakipagtulungan ang mga ito sa Philippine Coast Guard.

Nailigtas naman ang mga ito makalipas ang hatinggabi at nakauwi sa kanilang mga bahay pasado alas-2:00 na ng madaling araw ng Lunes.