-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Hong Kong ang pro-democracy activist na si Agnes Chow at siyam na iba pa dahil sa hinalang paglabag din ng mga ito sa bagong national secuirty law sa naturang teritoryo.

May edad 23 hanggang 725 ang mga panibagong dinampot ng Hong Kong authorities.

Hinihinala na ang mga suspek ay nanawagan umano sa ibang bansa na patawan ng sanction ang Hong Kong at Beijing dahil sa bagong batas.

Kasama rin sa dinampot ay si Chow, myembro ng pro-democracy group Demosisto.

Batay sa mga reports, nagwatak-watak na ang mga grupo na kinabibilangan nito noong araw mismo na naging epektibo ang security law.

Kahapon ay inaresto rin ang media tycoon na si Jimmy Lai.