Aabot sa mahigit isang libong indibidwal apektado ngayon nang dahil sa malawakang pagbaha na nararanasan ngayon Davao Occidental.
Ito ay matapos na umapaw umano ang ilog sa lugar nang dahil pa rin sa pagbuhos ng malakas na ulan na duloty naman ng trough ng low pressure area.
Dahil dito, sampung kabahayan ang inanod ng tubig baha sa bayan ng Malita, Davao Occidental nitong Biyernes, Marso 1, 2024.
Habang nasa 71 pamilya naman ang kinailangang ilikas sa ilan pang mga barangay sa Sta. Maria, Davao Occidental.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga barangay Buca, Pongpong, San Isidro, San Roque, at Basiawan.
Kaugnay nito ay tiniyak naman ng pamahalaan ang pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng naturang malawakang pagbaha sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food packs ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Samantala, sa bukod naman na datos ay iniulat din ng state weather bureau na mayroong tiyansa na makaranas ng kahalintulad na pag-ulan ang ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at SOCCSKSARGEN.
Dahil dito ay pinag-iingat ng mga kinauukulan ang publiko hinggil sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng masamang lagay ng panahon. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)