-- Advertisements --

taguig3


Mahigit 10-K mga kabataan na may edad lima hanggang 17 years ang nabakuhan sa siyudad ng Taguig matapos ginanap ang Covid-19 vaccination sa mga paaralan sa pamamagitan ng School Tour: One-Stop Shop Bakuna.

Ang nasabing programa ay bahagi ng PinasLakas Immunization Campaign ng Department of Health (DOH) kasama ang Taguig City government.

Sa pagbabalik ng face-to-face classes, nasa mahigit 10K na mga kabataan ang nabakunahan ng kanilang first dose, second dose, first booster at second booster sa pamamagitan ng school vaccinatiobn drive na nagsimula pa nuong August 15,2022.

Kabilang din sa mga nabakunahan ng Covid-19 vaccine ang mga teaching and non-teaching personnel ng bawat eskwelahan.

Nasa 23 elementary at high schools na ang napuntahan at isinagawa ang vaccination drive.

Siniguro naman ng pamahalaang lokal ng Taguig na ipagpapatuloy nila ang Covid-19 vaccination sa mga estudyante at mga education frontliners.

” This is to further ensure everyone’s safety upon the school reopening and encourage more people to get their booster shots once eligible.”

Ang PinasLakas Immunization Campaign ay bahagi ng kampanya ng DOH sa buong bansa na target mabakunahan ang 90% sa mga senior citizens at taasan ang booster coverage ang lahat ng eligible population sa 50%.

Target dito ang mga indibidwal mula sa ibat ibang communities gaya ng eskwelahan, palengke at mga transportation terminals.

Bago pa man inilunsad ng DOH ang PinasLakas Immunization campaign, nakipag ugnayan na ang Taguig LGU sa Department of Education-Division Office na palawakin at paigtingin ang kanilang Covid-19 vaccination para sa mga bata bilang paghahanda sa face-to-face classes.

Maaari din naman pumunta ang lahat na mga eligible residents and non-residents sa bansa na magtungo sa mga vaccination hubs ng Taguig mula Lunes hanggang Biyernes sa Lakeshore Vaccine Information Center, Venice Grand Canal Mall, at Bonifacio High Street.

Maari din magtungo sa mga barangay health centers na nag-aalok ng Covid-19 vaccination.

As of October 28, 2022, ang siyudad ng Taguig ay nakapag administered na ng kabuuang 2,124,944 jabs kung saan
915,159 individuals ang vaccinated habang 869,922 ang fully vaccinated.

Nasa 327,066 naman ang nakatanggap ng kanilang first booster at 39,739 ang nakatanggap ng second booster.