brush fire hawaii
Brush fire in Maui, Hawaii

LAOAG CITY – Nasunog ang 25 acres o katumbas na lawak ang mahigit 10 ektarya dahil sa brush fire sa Maui, Hawaii.

Sa report ni Bombo international correspondent Manny Pascua, nagsimula ang sunog pasado alas-dos ng madaling araw ng Biyernes Pebrero 21, 2020 sa Hawaii.

Sinabi niya na pinalikas kaagad ng mga otoridad ang mga homeless habang natutulog sa malapit sa brush fire.

Walang namang nasaktan matapos maapula ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan nagsimula ang apoy.

Iniulat pa ni Pascua, nakapagtala ang kanilang weather service ang mataas na temperatura sa nasabing isla.