Inanunsyo ng PCG na ang lahat ng 10 navigational buoy na inilagay ng sa West Philippine Sea (WPS) ay nananatili sa mga lokasyon nito at walang nawawala.
Ito’y matapos na kumalat ang mga speculations na may nawawalang boya sa West Ph Sea.
Nauna nang iniulat na dalawa sa 10 buoy ang hindi natukoy, partikular ang mga naka-install malapit sa Balagtas at Julian Felipe Reefs.
Mula noong nakaraang taon, ang PCG Task Force Kaligtasan sa Karagatan ay nakapag-install na ng kabuuang 10 boya sa West Ph Sea
Ang 10 navigational yellow boya na may marka ng watawat ng Pilipinas ay hindi lamang nagsisilbing tulong sa paglalayag sa mga mangingisda at marino upang itaboy ang mga ito palayo sa mababaw na tubig, kundi nagsisilbi rin bilang sovereign marker.
Nauna rito, napigil ng masamang panahon ang plano ng PCG na maglagay ng sasakyang pandagat para suriin ang dalawang navigational buoy na iniulat na hindi umano matukoy.
Kung matatandaan, dahil sa masamang lagay ng panahon sa WPS nitong weekend, napigilan din nito ang pagpapadala ng kanilang eroplano para tingnan ang status ng dalawang boya na ikinabit sa Balagtas at Julian Felipe Reefs.
Sa ngayon, naninindigan ang PCG na walang nawawalang boya sa karagatan ng West Ph Sea.