-- Advertisements --

(Update) KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang damage assesment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mlang, North Cotabato, matapos sinira ng buhawi ang nasa 10 bahay.

Ayon kay Mlang Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Bernardo Tayong, labis na pininsala ng itinuturing na “freak tornado” ang naturang mga bahay sa Barangay Buayan.

Apat dito ay totally damaged, habang partially damaged naman ang anim na iba pa.

Nagtumbahan rin ang mga malalaking puno na nagdulot ng mas malaking pinsala sa agrikultura.

Sa ngayon ay patuloy ang aksyon ng local government unit ng nasabing bayan sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Taong 2015, hindi nakaligtas ang Barangay Buayan at Barangay Sangat sa serye ng mga buhawi na nag-iwan ng mahigit P2 milyon pinsala sa imprastraktura at agrikultura.