-- Advertisements --

Muling nagkasundo ang magka-away na panig sa Sudan ng pitong araw na ceasefire.

Magsisimula ng May 4 hanggang May 11 ang nasaibng ceasefire.

Ayon sa foreign ministry ng South Sudan nag-alok sila para mamamgitan sa naglalabanang grupo.

Hindi naman kumpiyansa sila na susundin ng makalabang grupo ang cease fire dahil sa mga nagdaang tigil-putukan na ipinatupad ay hindi ito nasunod.

Magugunitang patuloy ang labanan ng Sudanese army na pinamumunuan ni chief General Abdel Fattah al-Burhan at paramilitary Rapid Support forces (RSF) leader General Mohamed Hamdan Dagalo .