-- Advertisements --
RETURNED SAP 7

Pinag-iisipan ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na palawigin ng pitong araw ang pamamahagi ng tulong sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Ano, kabilang sa mga lugar na ikinokonsidera nilang magkaroon ng extension ang National Capital Region (NCR), Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu City at Davao City.

Sa ibang LGUs na mayroon pa raw problema, mayroon silang apat na araw na extension.

Pero kailangan daw nilang mag-liquidate kaagad para maihanda na ang second tranche ng tulong.

Dagdag ni Ano, mayroon daw silang nakuhang mga report na may mga nabigyan ng cash aid na hindi naman talaga karapatdat.

Tiniyak nitong hahabulin nila ang lahat ng sangkot sa katiwalian.