-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Wala ng buhay nang matagpuan ang isa pang suspek na namaril sa Barangay Kapitan sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Mohammad Akan, residente ng Brgy Meta Datu Unsay Maguindanao.

Natagpuan ang bangkay ng suspek sa masukal na bahagi ng Brgy Tambunan 2 Guindulungan Maguindanao na may tama ng bala at posibling naubusan ng dugo.

Matatandaan na habang nagpapa-carwash si Brgy Muslim Guindulungan Maguindanao Barangay Chairman Durex Kasim sa Brgy Tambunan 2 ay biglang dumating ang riding in tandem suspects at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Ngunit hindi napuruhan ang Kapitan dahil nakailag ito at gumanti ng putok sa mga suspek.

Patay on the spot ang angkas ng motorsiklo na hanggang ngayon ay hindi pa kilala habang nakatakas si Akan ngunit sugatan pero kalaunan ay natagpuan ang bangkay nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Guindulungan PNP sa naturang pangyayari.