KIDAPAWAN CITY – Isa ang sugatan sa nangyaring sagupaan ng dalawang armadong pamilya sa probinsya sa Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Laga Macalugi na tinamaan ng mga ligaw na bala.

Ayon kay P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nagkasagupa ang pamilyang Kaludin at Macalugi sa Brgy. Bulol, Pikit, North Cotabato dahil lamang sa awayan sa lupa na kanilang sinasaka.

Lumikas ang mga sibilyan sa takot na maipit sa engkwentro na dalawang armadong pamilya na pawang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Humupa ang palitan ng bala sa magkabilang panig nang mamagitan si Pikit Mayor Sumulong Sultan at MILF Eastern Front Commander Jack Abas.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang mapayapang negosasyon sa naglalabang pamilya sa bayan ng Pikit.