NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Tayabas, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Aldwin Morales 22-anyos residente ng Brgy. Ipilan ng nasabing lugar.

-- Advertisement --

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing papunta lamang umano sa isang kainan si Morales ng bigla na lamang lumabas ang dishwasher ng nasabing kainan na si John Paul Dacanay 20-anyos at biglang pinagsasaksak ang biktima.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawn si Morales na agad namang isinugod sa ospital para sa karampatang tulong medikal.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente habang pinaghahanap pa rin ng mga otoridad si Dacanay na sinasabing agad na tumakas matapos ang nasabing krimen.