Supreme Court

Kinumpirma ngayon ng Supreme Court (SC) na may isang staff ng associate justice ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa SC, ang staff ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier ay nagkaroon ng lagnat noong March 12 hanggang 18.

Nagpa-Covid test ito noong Marso 19 at lumabas ang resulta noong Marso 24 base na rin sa city health office ng Bacoor sa Cavite.

Wala namang travel history sa ibang bansa ang naturang biktima.

Sa ngayon ay isinasagawa ng iba pang staff ni Lazaro-Javier ang kaukulang health at hygiene measures at self quarantine.

Nagpapatuloy din ang contact tracing sa mga nakasama o nakasalamuha ng naturang staff.