COLUMBIA, South Carolina, USA – Inanunsyo ng South Carolina lottery na nakuha na ang isa sa pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Aabot ito sa $1.5 billion o katumbas ng P75 billion mula sa Mega Millions jackpot na nagkaroon ng draw noong Oktubre.

Nabatid na iisa lamang ang nanalo rito at mas pinili raw ng winner na kunin ito ng cash para sa one-time payment lamang.

Kaya naman ito na ang itinuturing na “largest payout” sa kasaysayan ng Amerika.

Ang winning ticket ay nabili lamang sa isang convenience store sa Simpsonville na isang residential area na sakop ng South Carolina. (AP)