Department of Justice

Kinumpirma ngayong ng Department of Justice (DoJ) na isa ang kumpirmadong positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kawani ng justice department.

Ang naturang empleyado ay una nang sumalang sa rapid test na isinagawa ng DoJ.

Ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, ang naturang empleyado ay assymptomatic at nagpositibo sa confirmatory test.

Samantala, dalawa naman ang kumpirmadong positibo sa virus ang umulit daw sa swab test dahil inconclusive ang confirmatory test nito.

Sa ngayon, hinihintay na raw ng DoJ ang resulta ng swab test ng mga ito.

Maalalang 59 ang nagpositibo na kawani ng DoJ sa isinawang rapid test noong nakaraang linggo.