CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isa sa pasahero ng multicab matapos mabangga sa isang forward truck sa bahagi ng Barangay Lunotan, Gingoog City.

Sinabi ni Police Lt. Col. Ariel Philip Pontillas, hepe ng Gingoog City Police Station na kinilala ang nasawi na si Berto Tantiado.

Nagtamo rin ng mga malubhang sugat sina Carlito Cagadas Rollon, Perlo Tadifa Secofe,
Eduardo Dulor, Ryan Labos, Marian Antonio, Glenn Velasquez, Aron Luison na lahat residente sa Bayugan City na mga empleyado sa Superior Motor-Corporation ng Caraga Region.

Inihayag ni Pontillas na nagkaroon brake mall function ang multicab na minaneho ni Luzvimindo Cebreros, 32 anyos na residente sa Purok 4, Cupin Compound sa nasabing lugar.

Natuklasan na habang inaayos ang sasakyan ni Cebreros ay biglang binangga ng forward truck na minaneho ni Marko Kiven Monton Dagoc,30 anyos na residente sa Palawan,Barangay Camaman-an nitong lungsod.

Kinustodiya naman ng Gingoong PNP ang driver ng forward truck.