-- Advertisements --

Kinordonan ng mga kapulisan ng Iowa matapos ang naganap na pamamaril sa Perry High School.

Dahil sa insidente ay isang katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan.

Kasamang rumesponde sa insidente ang resident agent ng FBI para tulungan ang Iowa Division of Criminal Investigation.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing lugar.