Patay ang isang lalaki habang sugatan ang siyam na iba sa naganap na magnitude 5.8 na lindol sa Crete Island ng Greece.

Ayons sa Athens Geodynamic Institute, naitala ang epicenter ng lindol sa 14 miles ng northwest ng seaside village ng Arvi sa southeastern Crete na may lalim na anim na milya.

Isa umanong karpentiro ng chapel sa bayan ng Arkalochori ang nasawing biktima.

Karamihan sa mga gumuhong gusali ay yung mga luma at dahil sa nangyaring pagyanig ay isinara ang mga paaralan at mga opisina ng gobyerno.