Nipsey Hussle/ IG post

Nagtala ng isang katao ang patay sa libing ng rapper na si Nipsey Hussle.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa makapal na taong naglalakad sa Los Angeles bilang pagbibigay pugay sa namayapang 33-anyos na rapper.

Sinabi ni LAPD Chief Michael Moore na dapat itigil ang walang katuturang kaguluhan.

Ilan sa mga nagbigay ng pugay sa pinaslang na rapper ay si dating US President Barack Obama.

Nakasaad sulat ng dating pangulo ang paghanga nito sa pagsasagawa niya ng mga community services.

Bagamat hindi nito nakilala ng personal ay nakilala ang kanta nito sa pamamagitan ng kaniyang anak.

Binasa ang sulat ni Obama sa burol ng rapper.

Ilan sa mga dumalo sa libing ay mga kapwa rapper nito na sina Snoop Dogg, Meek Mill, Diddy at Jay Z.