Isa ang patay sa karambola ng limang sasakyan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City kaninang umaga.

Ang biktima ay nagmamaneho raw ng motorsiklo nang maganap ang aksidente sa Shaw Boulevard-San Miguel Avenue intersection.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabangga ng UV Express ang isang passenger jeepney at nasa likod naman ng UV Express ang motorsiklo ng biktima.

Nabangga ng passenger jeepney ang biktima na nasa likuran ng motorsiklo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa naturang aksidente.