LA UNION – Dead on the spot ang tricycle driver matapos itong mabangga ng close van sa kahabaan ng national highway sa Barangay Gana, Caba, La Union alas 12:20 nitong Huwebes ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Conrado Carino Jr., may asawa, 43, residente ng Barangay San Agustin Sur, sa bayan ng Agoo habang ang suspek ay nakilalang si Glen Tamayo, may asawa, 43, residente ng Lobong San Jacinto, Pangasinan.

Sa intial na imbestigasyon ng Caba Police, patungo umano ng hilagang direksyon ang tricycle habang mula naman sa ibang direksyon ang close van.

Bago ang insidente, nahagip umano ng ibang sasakyan ang triycle na nasa shoulder ng kalsada kung kaya pumagitna umano ito na siyang dahilan umano na mabangga ito ng close van.

Dahil sa insidente, halos magkalasoglasog ang katawan ng biktima habang nayupi naman ang tricycle nito.

Sa ngayon nasa punerarya na ang bangkay ng biktima habang nasa kustodiya naman ng Caba Police ang respondent driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homecide and damage to property.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Caba Police sa nasabing insidente.