CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Antong Ibrahim alyas Anthony Balindong, 20, binata at residente ng Sitio Migkampong, Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon kay Pikit chief of police Major Mautin Pangandigan na habang sakay ang biktima na nakilalang si Jade Tayuan Omar, 50, negosyante at residente ng Pe├▒afrancia Subdivision, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City sa kanyang minamanehong Montero Sports kulay pula na may plakang B6 M228.

Ngunit pagsapit ni Omar sa harap ng Jams Bakery sa national highway Brgy Poblacion, Pikit, Cotabato ay doon na siya dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Hindi tumagos ang bala sa sinakyan ng biktima dahil bullet proof ang Montero sports.

Mabilis na hinabol ni Omar ang mga suspek at nang maabutan ay binangga niya ito.

Patay on the spot ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang kanyang kasama.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.