NAGA CITY- Patay ang isa katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa nangyaring komosyon sa Brgy. Camuning Calabanga Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rolly Alita

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ky PCpl l. Jefferson Cure tagapagsalita ng Calabanga PNP sinabi nitong, paalis na si Rovany Orobio 38 anyos at Rodrigo Alita lulan ng motorsiklo matapos bumili ng sigarilyo subalit bigla umanong dumating ang biktima na armado ng tubo at kutsilyo.

Ayon kay Cure, sa hindi malamang dahilan pinalo ng biktima si Rodrigo na naging rason para mahulog ito sa motorsiklo.

Aniya, tinangka sanang awatin ito ni Orobio subalit pinalo ito ng biktima kung kaya inagaw na ni Orobio ang dalang kutsilyo ng biktima at sinaksak ito sa leeg.