Patay ang police office sa naganap na pamamaril sa UPMC Memorial Hospital sa York County, Pennsylvania, nitong Sabado, (araw sa America) kung saan 5 ang sugatan, kabilang ang mga sibilyan, dalawang police officer at isang nurse.
Ayon sa ulat ‘walang mga pasyente ang nasaktan sa insidente, batay sa pahayag ng mga opisyal.
‘No patients have been injured. The hospital is now secure,’ pahayag ni Susan Manko sa CNN, spokesperson sa UPMC Memorial Hospital.
Ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Diogenes Archangel Ortiz, 49-taong gulang na kalaunan ay napatay sa insidente. Patuloy naman binabantayan ng mga awtoridad ang naturang ospital.
Sa isang pahayag sinabi ni District Attorney Tim Barker na hindi pa sa ngayon ipinapaalam ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaril, ngunit ayon sa kaniya mukhang ang insidente umano ay target ang ICU.
Dahil aniya noong nakaraang linggo umano ay nakipag-ugnayan ang gunman sa ICU sa ospital para sa isasagawang medical procedure na may kaugnayan sa ibang tao.
Samantala kinilala naman ang police officer na nasawi na si Andrew Duarte, matapos kumpirmahin ng kanyang departament sa social media ang pagkamatay ni Duarte, na naglingkod ng limang taon sa Denver Police Department kung saan nakakuha ito ng mga parangal kagaya ng Mothers Against Drunk Driving (MADD) Hero Award dahil sa kanyang mga pagsisikap sa pagpapatupad ng batas laban sa mga lasing o mga nagmamaneho na may impluwensya ng alak.
Nagaalala naman ang mga health care workers tungkol sa tumataas na banta sa kanilang mga buhay sa lugar na pinagta-trabahuhan ng mga ito.
Sa tala ng American Hospital Association, ang mga health care workers ay limang beses na mas malaki umano ang posibilidad na makaranas ng karahasan sa trabaho kumpara sa ibang mga manggagawa sa lugar.