Reading Time: 1 minute

LA UNION – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang pastora habang sugatan naman apat na iba pa matapos na maaksidente ang sinasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Sobredillo, bayan ng Caba, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Mina Mangaser, 50, resisdente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa Caba Police, tinatahak ng tricycle ang naturang kalsada patungo sa silangang direksyon nang magkaroon ng problema sa preno dahilan upang hindi ito makontrol ng driver na si Benjie Hidalgo, 36, hanggang sa umikot-ikot ang sasakyan kasunod ng pagsugat ng lahat ng pasahero nito.

Agad namang itinakbo sa Caba District Hospital ang mga sugatan ngunit namatay si Masanger habang ginagamot ng doktor.

Patungo sana sa bible study ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.