ROXAS CITY – Isa ang patay, dalawa ang sugatan kabilang na ang menor de edad matapos nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Arnaldo Boulevard, Roxas City.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan ang biktima na si Eugene Ric Benliro, 34, matapos tumilapon sa motorsiklo habang patuloy na ginagamot sa ospital ang 12-anyos na anak na backrider nito na si John Rex Beliro, gayundin ang suspek driver na si John Rico Valderas.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Roxas City PNP na sakay ang mag-ama ng motorsiklo nang biglang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ng lasing na suspek.

Dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ay tumilapon sa kalsada ang ama na si Benliro habang dinala sa pagamutan ang menor de edad na anak kabilang na ang suspek na pawang nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.