-- Advertisements --
Patay ang isang bata habang sugatan ang dalawang iba pa matapos ang naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Finland.
Ayon sa mga kapulisan na ang mga biktima ay pawang mga 12-anyos habang ang suspek ay 12-anyos na unang tumakas subalit ito ay kanilang naaresto din.
Sa inisyal na imbestigasyon naganap ang pamamaril sa isang clasroom sa Viertola school sa Vantaa ang north capital ng Helsinki.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.